ANG MGA PAMANA AT
MAKASAYSAYANG LUGAR SA VIGAN CITY.
Sa
ating mundo, maraming lugar na magaganda at makasaysayan na pwede mapumtahan ng
kahit na sino man. Bawat bansa ay mayroong ipinagmamalaking lugar.Isa na rito
an gating bansang Pilipinas.Maraming mga magagandang tanawin at lugar ang
pwedeng puntahan ng kahit na sino man sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay mayroong
labing piton a rehiyon at sa bawat rehiyon ay may “Tourist Spot”.Isa na rito
ang Lungsod ng Vigan na ipinagmamalaki ng bansang Pilipinas.Ang lungsod na ito
ay kilala dahil sa makasaysayang mga bahay at mga gusali na pinaghalong
impluwensiyang disenyo ng Asyano at Europeo.Ito ay tinaguriang “BEST PRESERVED
SPANISH COLONIAL TOWN”.Kapag ito’y linakbay mo para ka na ring naglalakbay sa
pahanon ng sinakop ng Kastila ang Pilipinas. Kamangha-mangha ang pag-aalaga
nila dito dahil napapanatili nila ang kalumaan at kasaysayan ng lugar na
ito.Ito ay natatanging "World Heritage City" sa Pilipinas base sa UNESCO World
Heritage list of Sites ang Monuments noong ika-2 ng Disyembre 1999.Ito ay
kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil ito ay napasama sa
tituong “7 Wonders of the World” at sa kasalukuyan ito ay kasama sa “New 7
Wonders City.
HALIKA AT ATING TUKLASIN ANG
KAGANDAHAN NG VIGAN!
Umpisahan
natin ang ating pagtuklas sa Kasaysayan at Pinagmulan nito.
Ang Lungsod ng Vigan ay dating isla na napapalibutan
ng Ilog Abra, Ilog Govantez at Ilog Meztizo na umiikot sa pagilid nito. Ang
pangalan ng lungsod na ito ay nagmula at nakuha sa pangalan ng isang uri ng
halaman na tinawana “Biga-a” na tumutubo sa pampang ng mga ilog ditto noon. Ang
halaman “Biga-a” ay kauri ng isa ring uri ng halaman na Gabi.
Nakuha
ang pangalang Vigan dahil sa isang kwento o anekdota na galing pa sa mga
nakalipas na henerasyon, na meron daw na isang Kastila na may nakasalubong na
isang katutubo at tinanong kung ano ang pangalan ng lugar, ngunit hindi ito
maintindihan ng isang katutubo ang kanyang sinabi at sa kanyang pag-aakala na
ang tinatanong ng Kastila ay halamang Biga-a, at sumagot ang isang katutubo sa
salitang Ilocano na “Biga-a Apo’. Ngunit hindi ito masabi ng isang Kastila,
kaya nagging Vigan ang pangalan ng Lungsod na ito.
Bago pa man ang pagdating ng mga
Kastila sa ating bansa, ang Lungsog ng Vigan ay kilala bilang isang
Pool-pangkalakalan o Sentro ng kalakalan sa pagitan ng ating mga Katutubo at mga
dayuhang Intsik na sakay ng kani-kanilang barko na bumabagtas sa Ilog Meztizo
upang makipagpalitan ng mga kanilang produkto na katulad ng mga “exotic goods”
na galling sa kaharian ngAsya, para sa ginto, silk, beewax at iba pang produkto
na galling naman sa bundok ng Cordillera. Ang mga dayuhan na karamihan ay mga
Intsik ay nanirahan at nantili doon at nakpagasawa ng mga katutubo at doon
nagsisimula ang “muli-cultural’ na lahi ng mga Biguenyo.
Sa panahon ng pananakop ng mg
Kastila, nang matapos si Don Juan de
Salcedo na kilalang mananakop na Espanyol sa matagumpay niyang paglalakbay
at pagtuklas sa Norte, ginantimpalahan siya ng hari ng Espanya para sa kanyang
paglilingkod.Ibinigay sa kanya at ipinagkaloob sa kaya encomienda. Nang siya ay encomiendero
na at Justicia Mayor ng Ilocos, ay
nagbalik siya sa Vigan na una niyang natuklasan
noong ika-12 ng Hunyo 1572. Maiinit at Malugod ang pagsalubong sa kanya
ng mga katutubo roon dahil sa naging mabuting pagtrato sa kanila ni Don Juan de Salcedo noon.Ginawa niyang
Kapital ang Vigan ng buong Ylocos na noon ay binubuo ng Ilocos Sur, Ilocos
Norte, Abra, La Union at ilang bahagi ng Mountain Province.
ATIN NAMANG ALAMIN ANG MGA PAMANA AT
MAKASAYSAYANG LUGAR SA VIGAN CITY.
Ang
Calle Crisologo o Kalye Mena Crisologo sa Meztizo District ay isa
pinakamahalaga at pinaka pangunahing lugar sa Vigan. Ito ay dinarayo ng
maraming Turista.
Sa Calle Crisollogo ng Vigan ay
naroon ang humigit-kumulang sa 150 na bahay na bato. Makikita sa mga ito ang
husay at galing ng mga artisanong Filipino bago pa dumating ang panahon ng
modernong materyales, kagamitan at teknolohiya sa pagtatayo ng gusali. Ang mga
bahay na bato lamang ang nakatatagal sa lindol at bagyo na madalas tumatama sa
rehiyon ng Ilocos. Yari ang bubong nito sa Tisa at yari naman sa kahoy ang ikalawang
palapag at ang sahig nito. Marami sa mga ito ay nasa maayos pang kalagayan at
ang ilan ay ginawang mga Hotel, museo, tindahan ng mga souvenir, kainan o bar.
Ang Baluarte ay pagmamay-ari ni Chavit Singson. Ito ay may lawak na 80 ektarya.
May Tiger Show rin na matutunghayan
at buhay na ahas na mahahawakan at
maamong parrot. Makikita rin dito ang monkeys, camels, deers, ostriches,
peacocks, mga agila, pythons, iguanas, at marami pang iba.Matutughayan rin ng
Butterfly Garden at iba’t-ibang lahi ng parrot.
Bukod sa iba’t-ibang hayop na makikita sa mini zoo, mayroon
ring tinatag na Safari Gallery. Ang Safari Gallery ay makikita dito ang mga
koleksiyon ni Chavit na sa kanyang hobby na hunter sa Africa. Naka-display dito
ang animo’y mga buhay at naglalakihang elepante, tigre, lion, bear, deer heads at
marami pang iba.
Libre lang ang pagpasok, maliban lang sa minimal fee sa
pagsakay sa kabayo at voluntary donation sa Safari Gallery, para gamitin sa
maintenance ng pasilidan.
Ang Dancing Fountain ay matatagpuan
sa Plaza Salcedo, kung saan mayroong palabas tuwing 7 ng gabi. Walang entrance
fee, kaya mas mabuting pumunta ng maaga sa lugar bago magsimula ang palabas.
Ang plaza ay inayos sa malaking
fountain area, ang mga fountain ay sumasayaw na kasabay nang pagtugtug ng
musika. Nag-iiba ang musika mula sa mabagal, pagtaas, kagalingan at mga
klasikong kanta. Habang sinusundan naman ng tubig at ilaw na sumasayaw. Ang palabas
ay tumagatagal ng 30-45 minuto.
Ang Crisologo Museum ay memorabilia ng yumaong Kongresistang Floro Crisologo at ang mga orihinal na kagamitan ng dating nakikita sa bahay ng Vigan.
Ito ay inaalagahan ng Pamabansang
Museo ng Museo Crisologo ng Vigan. Humihingi din sila ng Voluntary donation
para sa gagamitin upang mapanatiling maayos ang pasilidad.
Ang Syquia Mansion ay isa talagang
pintuan ng nakaraan. Ang mayamang kasaysayan nito ay naka-embed sa mga pader na
bato at bintana na shell. Higit sa bahay ng yumaong presidente na si
Elpidio Quirino, ang mansion ay
nagsisilbing daan upang maunawaan kung paano namumuhay ang mga ninuno noon.
Ang Syquia Mansion ay matatagpuan sa
Quirino Boulevard, isa sa pangunahing mga kalsada ng Vigan. May P30 na entrance
fee at mayroon ring available na tour guide.
Ito ay isa sa mga pinaka-iconikong simbolo ng Vigan City. Itinayo ito noong 1591, nagsilbi itong torre ng bantay ng bayan bago naging kampanilya ng malapit sa simbahan noong 1857.
Tinitingan nito ang bayan ng
parehong Bantay ng Vigan sa loob ng maraming siglo, at kilala bilang paboritong
petsa ng ika-17 siglo ni Diego at Gabriela Silang.Ang kampanilya ay matatagpuan
sa isang burol, na ginagawang ang pinakamainam na punto para sa mga tinalaga
upang bantayan ang mga bayan ng Vigan.
Maari ka ring maghandog nang anumang
halaga na nais mo bago pumasok upang matiyak na may gagamitin sa pag-aalaga ng kampanilya.
Mahusay na binibisita ang Plaza Salcedo kapag umaga at hapon upang miawasan ang maiinit na araw sa pinakamatibay nito at upang lubos na matamasa ang mas tahimik na kapaligiran ng elliptical plaza na ito kasama ang cooling fountain display nito.Ang lawa ng plaza ay idinagdag sa solusyon sa pangnagilangan mga tao ikalabimpito upang mag-imbak ng tubig.Nakita ng lungsod na ito ay bilang malikhaing solusyon sa pangangailangan ng tubig sa mga oras na ng sunog na nangyayari sa lungsod.Maraming beses na nakaranas ng mapanirang apoy ang Vigan sa kasaysayan nito.
Ang Plaza Salcedo, na pinangalanan pagkatapos ng Espanyol na manlulupig, Juan de Salcedo na sumuko sa unang katutubong naninirahan sa Vigan at tinatag nito ni Villa Fernandina para sa monarka ng Espanya noong 1572.
Ang Plaza Salcedo, na pinangalanan pagkatapos ng Espanyol na manlulupig, Juan de Salcedo na sumuko sa unang katutubong naninirahan sa Vigan at tinatag nito ni Villa Fernandina para sa monarka ng Espanya noong 1572.
Walang sinuman ang inaasahan na ang isang magandang hardin na matatagpuan sa gitna ng Vigan, kung saan ang mga turista ay patuloy na natutuklasan at nagtaka nang labis.
Higit sa magandang hardin at
napakahusay na pottery, NAGDADO GARDEN ng Vigan ang lugar kung saan
nararanasan ang Filipino hospitality.
Ang St. Paul
Metropolitan Cathedral na ipinatayo ng mga prayleng Agostino at nakumpleto
noong 1790 ay ginamitan ng katangi-tangi lamang sa mga Ilokano na estilong
Earthquake Baroque dahil sa mga lindol na naranasan noon sa Ilocos at may
disenyong paulit-ulit na ginamit sa kabuuan na istilong Neo-Gothic at
Romanesque. Sa Plaza Burgos matatagpuan ito, ang kampanaryo (mahigit isang
dantaon nang naitayo) nito at ang bahagi ng Seminaryo ng Vigan na hindi tinupok
ng apoy. Ang loob ng simbahan ay may tatlong nabe (nave), labindalawang (12)
altar at isang choir loft. Ang Impluwensya ng tsino ay makikita sa altar sa
baptistry, sa pinanday na tansong communion handrail, sa dalawang asong Fu sa
labas lamang ng katedral at sa hugisoctagon ng pinakaulo (dome) ng katedral.
Ang Vigan rin ang ikaapat na tourist
destination ng bansa na sinusundan ng Palawan, Cebu at Bohol ayon sa Department
Of Tourism maliban pa sa pinanalunang kategoryang “Best Child Friendly City” sa
buong Ilocos Region.
Ang
iba pang attraction ng Vigan, capital ng Ilocos Sur, sa mga turista kabilang na
ang mga balikbayan ay ang paglulunsad nito sa mga cultural activities tuald ng
Zarzuela,Makalumang Sayaw sa lansangan, Repaso Parade ukol sa kasaysayan ng
siyudad, Dallot o Pagtutla sa matatanda at iba pa.Maliban ditto, popular ang
Vigan sa mga ktutubong produkto nito
tulad ng Abel Iluko at Vigan Longganisa at Bagnet.
Hindi mo talaga maipagkakaila na ang Vigan City ay tinataguriang “Living City”
dahil sa Vigan Heritage Village na
nakatala sa World Heritage List ng UNESCO.
Ang Heritage Village na mayaman sa
kultura at historia ang ipinamamalaki ng
mga Ilokano na main attraction ng mga
turista. Halos araw-araw na nagdadatingan ang
mga tourist bus na sasakyan ng mga
Chinese, Koreans,Taiwanese, Japanese,
Thais, Europeans at Americas, pati ang
mga Lakbay Aral o Educational Tour ng
mga estudyante mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ang Vigan ay isang ebidensiya na sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa. Maganda man o hindi ang trato ng mga Kastila sa mga Pilipino noon ngunit hindi sila nagdadalawang-isip na alagaan ang mga bagay na kanilang iniwan sa atin. At hindi rin mawawala ang mga kultura na kanilang natutunan sa kanila. Hindi man maganda ang ating nakaraan na ating nakatunggaling Kastila ngunit hindi iyun lingid sa ating puso na mahalin ang kanilang mga naiwan na aral sa atin.
Ang Vigan ay isang ebidensiya na sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa. Maganda man o hindi ang trato ng mga Kastila sa mga Pilipino noon ngunit hindi sila nagdadalawang-isip na alagaan ang mga bagay na kanilang iniwan sa atin. At hindi rin mawawala ang mga kultura na kanilang natutunan sa kanila. Hindi man maganda ang ating nakaraan na ating nakatunggaling Kastila ngunit hindi iyun lingid sa ating puso na mahalin ang kanilang mga naiwan na aral sa atin.
Kaya dapat nating
alagaan ang mga bagay na pinagkaloob sa atin ng ating mga ninuno. Dahil ito ay
magpapakita na tayo’y saludo sa kanila. Hindi man natin natunghayan kung paano
sila nakikipagbuwis buhay para lang makamit ang ating kalayaan ngunit ang lahat
ng bagay na kanilang iniwan ay yun na nagpapatunay.