Wednesday, October 10, 2018

World Heritage City





ANG MGA PAMANA AT MAKASAYSAYANG LUGAR SA VIGAN CITY.


Resulta ng larawan para sa vigan logo

Sa ating mundo, maraming lugar na magaganda at makasaysayan na pwede mapumtahan ng kahit na sino man. Bawat bansa ay mayroong ipinagmamalaking lugar.Isa na rito an gating bansang Pilipinas.Maraming mga magagandang tanawin at lugar ang pwedeng puntahan ng kahit na sino man sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay mayroong labing piton a rehiyon at sa bawat rehiyon ay may “Tourist Spot”.Isa na rito ang Lungsod ng Vigan na ipinagmamalaki ng bansang Pilipinas.Ang lungsod na ito ay kilala dahil sa makasaysayang mga bahay at mga gusali na pinaghalong impluwensiyang disenyo ng Asyano at Europeo.Ito ay tinaguriang “BEST PRESERVED SPANISH COLONIAL TOWN”.Kapag ito’y linakbay mo para ka na ring naglalakbay sa pahanon ng sinakop ng Kastila ang Pilipinas. Kamangha-mangha ang pag-aalaga nila dito dahil napapanatili nila ang kalumaan at kasaysayan ng lugar na ito.Ito ay natatanging "World Heritage City" sa Pilipinas base sa UNESCO World Heritage list of Sites ang Monuments noong ika-2 ng Disyembre 1999.Ito ay kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil ito ay napasama sa tituong “7 Wonders of the World” at sa kasalukuyan ito ay kasama sa “New 7 Wonders City.

HALIKA AT ATING TUKLASIN ANG KAGANDAHAN NG VIGAN!

Umpisahan natin ang ating pagtuklas sa Kasaysayan at Pinagmulan nito.

Ang Lungsod ng Vigan ay dating isla na napapalibutan ng Ilog Abra, Ilog Govantez at Ilog Meztizo na umiikot sa pagilid nito. Ang pangalan ng lungsod na ito ay nagmula at nakuha sa pangalan ng isang uri ng halaman na tinawana “Biga-a” na tumutubo sa pampang ng mga ilog ditto noon. Ang halaman “Biga-a” ay kauri ng isa ring uri ng halaman na Gabi.
          Nakuha ang pangalang Vigan dahil sa isang kwento o anekdota na galing pa sa mga nakalipas na henerasyon, na meron daw na isang Kastila na may nakasalubong na isang katutubo at tinanong kung ano ang pangalan ng lugar, ngunit hindi ito maintindihan ng isang katutubo ang kanyang sinabi at sa kanyang pag-aakala na ang tinatanong ng Kastila ay halamang Biga-a, at sumagot ang isang katutubo sa salitang Ilocano na “Biga-a Apo’. Ngunit hindi ito masabi ng isang Kastila, kaya nagging Vigan ang pangalan ng Lungsod na ito.
            Bago pa man ang pagdating ng mga Kastila sa ating bansa, ang Lungsog ng Vigan ay kilala bilang isang Pool-pangkalakalan o Sentro ng kalakalan sa pagitan ng ating mga Katutubo at mga dayuhang Intsik na sakay ng kani-kanilang barko na bumabagtas sa Ilog Meztizo upang makipagpalitan ng mga kanilang produkto na katulad ng mga “exotic goods” na galling sa kaharian ngAsya, para sa ginto, silk, beewax at iba pang produkto na galling naman sa bundok ng Cordillera. Ang mga dayuhan na karamihan ay mga Intsik ay nanirahan at nantili doon at nakpagasawa ng mga katutubo at doon nagsisimula ang “muli-cultural’ na lahi ng mga Biguenyo.
            Sa panahon ng pananakop ng mg Kastila, nang matapos si Don Juan de Salcedo na kilalang mananakop na Espanyol sa matagumpay niyang paglalakbay at pagtuklas sa Norte, ginantimpalahan siya ng hari ng Espanya para sa kanyang paglilingkod.Ibinigay sa kanya at ipinagkaloob sa kaya encomienda. Nang siya ay encomiendero na at Justicia Mayor ng Ilocos, ay nagbalik siya sa Vigan na una niyang natuklasan  noong ika-12 ng Hunyo 1572. Maiinit at Malugod ang pagsalubong sa kanya ng mga katutubo roon dahil sa naging mabuting pagtrato sa kanila ni Don Juan de Salcedo noon.Ginawa niyang Kapital ang Vigan ng buong Ylocos na noon ay binubuo ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, La Union at ilang bahagi ng Mountain Province.

ATIN NAMANG ALAMIN ANG MGA PAMANA AT MAKASAYSAYANG LUGAR SA VIGAN CITY.



Ang Calle Crisologo o Kalye Mena Crisologo sa Meztizo District ay isa pinakamahalaga at pinaka pangunahing lugar sa Vigan. Ito ay dinarayo ng maraming Turista.

Sa Calle Crisollogo ng Vigan ay naroon ang humigit-kumulang sa 150 na bahay na bato. Makikita sa mga ito ang husay at galing ng mga artisanong Filipino bago pa dumating ang panahon ng modernong materyales, kagamitan at teknolohiya sa pagtatayo ng gusali. Ang mga bahay na bato lamang ang nakatatagal sa lindol at bagyo na madalas tumatama sa rehiyon ng Ilocos. Yari ang bubong nito sa Tisa at yari naman sa kahoy ang ikalawang palapag at ang sahig nito. Marami sa mga ito ay nasa maayos pang kalagayan at ang ilan ay ginawang mga Hotel, museo, tindahan ng mga souvenir, kainan o bar.


                 Ang Baluarte ay pagmamay-ari ni Chavit Singson. Ito ay may lawak na 80 ektarya.
            May Tiger Show rin na matutunghayan at buhay na ahas na mahahawakan  at maamong parrot. Makikita rin dito ang monkeys, camels, deers, ostriches, peacocks, mga agila, pythons, iguanas, at marami pang iba.Matutughayan rin ng Butterfly Garden at iba’t-ibang lahi ng parrot.
Bukod sa iba’t-ibang hayop na makikita sa mini zoo, mayroon ring tinatag na Safari Gallery. Ang Safari Gallery ay makikita dito ang mga koleksiyon ni Chavit na sa kanyang hobby na hunter sa Africa. Naka-display dito ang animo’y mga buhay at naglalakihang elepante, tigre, lion, bear, deer heads at marami pang iba.
Libre lang ang pagpasok, maliban lang sa minimal fee sa pagsakay sa kabayo at voluntary donation sa Safari Gallery, para gamitin sa maintenance ng pasilidan.

  
            Ang Dancing Fountain ay matatagpuan sa Plaza Salcedo, kung saan mayroong palabas tuwing 7 ng gabi. Walang entrance fee, kaya mas mabuting pumunta ng maaga sa lugar bago magsimula ang palabas.
            Ang plaza ay inayos sa malaking fountain area, ang mga fountain ay sumasayaw na kasabay nang pagtugtug ng musika. Nag-iiba ang musika mula sa mabagal, pagtaas, kagalingan at mga klasikong kanta. Habang sinusundan naman ng tubig at ilaw na sumasayaw. Ang palabas ay tumagatagal ng 30-45 minuto.

  
           Ang Crisologo Museum ay memorabilia ng yumaong Kongresistang Floro Crisologo at ang mga orihinal na kagamitan ng dating nakikita sa bahay ng Vigan.
            Ito ay inaalagahan ng Pamabansang Museo ng Museo Crisologo ng Vigan. Humihingi din sila ng Voluntary donation para sa gagamitin upang mapanatiling maayos ang pasilidad.

  
            Ang Syquia Mansion ay isa talagang pintuan ng nakaraan. Ang mayamang kasaysayan nito ay naka-embed sa mga pader na bato at bintana na shell. Higit sa bahay ng yumaong presidente na si Elpidio  Quirino, ang mansion ay nagsisilbing daan upang maunawaan kung paano namumuhay ang mga ninuno noon.
            Ang Syquia Mansion ay matatagpuan sa Quirino Boulevard, isa sa pangunahing mga kalsada ng Vigan. May P30 na entrance fee at mayroon ring available na tour guide.


             Ito ay isa sa mga pinaka-iconikong simbolo ng Vigan City. Itinayo ito noong 1591, nagsilbi itong torre ng bantay ng bayan bago naging kampanilya ng malapit sa simbahan noong 1857.
            Tinitingan nito ang bayan ng parehong Bantay ng Vigan sa loob ng maraming siglo, at kilala bilang paboritong petsa ng ika-17 siglo ni Diego at Gabriela Silang.Ang kampanilya ay matatagpuan sa isang burol, na ginagawang ang pinakamainam na punto para sa mga tinalaga upang bantayan ang mga bayan ng Vigan.
            Maari  ka ring maghandog nang anumang halaga na nais mo bago pumasok upang matiyak na  may gagamitin sa  pag-aalaga ng kampanilya.


                     Mahusay na binibisita ang Plaza Salcedo kapag umaga at hapon upang miawasan ang maiinit na araw sa pinakamatibay nito at upang lubos na matamasa ang mas tahimik na kapaligiran ng elliptical plaza na ito kasama ang cooling fountain display nito.Ang lawa ng plaza ay idinagdag sa solusyon sa pangnagilangan mga tao ikalabimpito upang mag-imbak ng tubig.Nakita ng lungsod na ito ay bilang malikhaing solusyon sa pangangailangan ng tubig sa mga oras na ng sunog na nangyayari sa lungsod.Maraming beses na nakaranas ng mapanirang apoy ang Vigan sa kasaysayan nito.
              Ang Plaza Salcedo, na pinangalanan pagkatapos ng Espanyol na manlulupig, Juan de Salcedo na sumuko sa unang katutubong naninirahan sa Vigan at tinatag nito ni Villa Fernandina para sa monarka ng Espanya noong 1572.



            Walang sinuman ang inaasahan na ang isang magandang hardin na matatagpuan sa gitna ng Vigan, kung saan ang mga turista ay patuloy na natutuklasan at nagtaka nang labis.
            Higit sa magandang hardin at napakahusay na pottery, NAGDADO GARDEN ng Vigan ang lugar kung saan nararanasan ang Filipino hospitality.


Ang St. Paul Metropolitan Cathedral na ipinatayo ng mga prayleng Agostino at nakumpleto noong 1790 ay ginamitan ng katangi-tangi lamang sa mga Ilokano na estilong Earthquake Baroque dahil sa mga lindol na naranasan noon sa Ilocos at may disenyong paulit-ulit na ginamit sa kabuuan na istilong Neo-Gothic at Romanesque. Sa Plaza Burgos matatagpuan ito, ang kampanaryo (mahigit isang dantaon nang naitayo) nito at ang bahagi ng Seminaryo ng Vigan na hindi tinupok ng apoy. Ang loob ng simbahan ay may tatlong nabe (nave), labindalawang (12) altar at isang choir loft. Ang Impluwensya ng tsino ay makikita sa altar sa baptistry, sa pinanday na tansong communion handrail, sa dalawang asong Fu sa labas lamang ng katedral at sa hugisoctagon ng pinakaulo (dome) ng katedral.



Ang Vigan rin ang ikaapat na tourist destination ng bansa na sinusundan ng Palawan, Cebu at Bohol ayon sa Department Of Tourism maliban pa sa pinanalunang kategoryang “Best Child Friendly City” sa buong Ilocos Region.
            Ang iba pang attraction ng Vigan, capital ng Ilocos Sur, sa mga turista kabilang na ang mga balikbayan ay ang paglulunsad nito sa mga cultural activities tuald ng Zarzuela,Makalumang Sayaw sa lansangan, Repaso Parade ukol sa kasaysayan ng siyudad, Dallot o Pagtutla sa matatanda at iba pa.Maliban ditto, popular ang Vigan sa  mga ktutubong produkto nito tulad ng Abel Iluko at Vigan Longganisa at Bagnet.
         Hindi mo talaga maipagkakaila na ang  Vigan City ay tinataguriang “Living City” dahil sa  Vigan Heritage Village na nakatala sa World  Heritage List ng UNESCO. Ang Heritage Village na  mayaman sa kultura at historia ang ipinamamalaki  ng mga Ilokano  na main attraction ng mga turista. Halos araw-araw na nagdadatingan ang mga tourist bus na sasakyan ng mga Chinese, Koreans,Taiwanese, Japanese, Thais, Europeans at Americas, pati ang mga Lakbay Aral o Educational  Tour ng mga estudyante mula sa iba’t-ibang panig  ng bansa.
            Ang Vigan ay isang ebidensiya na sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa. Maganda man o hindi ang trato ng mga Kastila sa mga Pilipino noon ngunit hindi sila nagdadalawang-isip na alagaan ang mga bagay na kanilang iniwan sa atin. At hindi rin mawawala ang mga kultura na kanilang natutunan sa kanila. Hindi man maganda ang ating nakaraan  na  ating nakatunggaling Kastila ngunit hindi iyun lingid sa ating puso na mahalin ang kanilang mga naiwan na aral sa atin.
Kaya dapat nating alagaan ang mga bagay na pinagkaloob sa atin ng ating mga ninuno. Dahil ito ay magpapakita na tayo’y saludo sa kanila. Hindi man natin natunghayan kung paano sila nakikipagbuwis buhay para lang makamit ang ating kalayaan ngunit ang lahat ng bagay na kanilang iniwan ay yun na nagpapatunay.





No comments:

Post a Comment